Just another WordPress.com site

Wow, ambilis talaga nang panahon no? Matatapos na naman ang panahon ng kalayaa. Magpapasukan na naman. At ngayon mag-aaral pa rin ako sa St. Jude.
Pero, ngayon, wala lang akong ibang maramdaman kundi panghihinayang.
Well, ganito kasi yon. Last year, bagong gradute ako ng elementary, which means incoming freshman ako for highschool. Eto na, andaming mga pwedeng pagpilian na school para sa pinakamasaya daw na stage sa buhay ng isang estudyante. PISAY… dream school ko talaga yan for high school. Kasi nga naman, PiSay yan e. Months pa lang talaga, nagd-daydream na ko na dun nga ko mag-aaral. So, yun, syempre very supportive naman yung parents ko, binilhan pa ako ng reviewer. Nagb-brag na ko sa sarili ko na dun ko nga is-spend ang hayskul layp ko.
Pero, siguro nga may mga bagay talaga na hindi para sa atin.
Napansin nila parents na hindi ako nag-aaral, yun sermon at galit sa sarili ang inabot ko. At hulaan niyo ang nangyari dun sa reviewer ko, ayun wala, kawawa naman yung orange na libro na yun. Kaya nung dumating yung isang araw na yun bago ang entrance sa Philippine Science High School, bongga ako sa cramming, nag-go back in time ako sa pre-algebra na tinuturo sa mga grade 6. Karumal-dumal, naaalala ko, mga alas tres nun ng madaling araw, nagbuklat ako, as if naman may makakapasok pa sa pariwara kong utak… At yun na nga, Sabado nun e, may pasok yung mga magulang ko. Sabay pa silang naghatid sakin. May baon akong iced tea at mga bisquit. So, yun, hinatid na kami sa room, dun kami actually sa Malayan nag-exam. Ayan na, nasa room na kami, blahblahblah sabi nung proctor namin. Start na. Di ko nga lang medyo maalala yung pagkakasunod-sunod nung subjects, basta una yung English. Whoa, andali nung English, compre lang naman eh, bookworm ata ako. So, umarangkada ako dun sa subject na yun. Tapos sa Science, chicken, best in Science ata. Kaso merong demonyita, yung Math, TROLL yung exam, RAGE GUY ako. LOL. Inaral ko pre-algebra, guess what yung lumabas? FRACTIONS! Di pa naman ako magaling dun. Wadapak!
Months later, lumabas yung resukt sa website ng Pisay, wala ako, sinearch ko yung apelyido ko, wala.
Nakakatawa dahil napakababaw nung experience ko na yun, pero because of this, marami akong natutunang mga bagay that can be helpful in my useless life.
Sayang lang talaga, sayang…

Tag Cloud

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.